Narito ang ilang bagay na aking mga napagtanto sa aking panonood ng TV:
- Na-appreciate ko ang J-Pop, di ko man naintindihan ang lyrics, nakakaaliw naman silang panoorin. EXILE, Arashi, Funky Monkey Babys - eto yung mga grupo na tingin ko ay sikat dito sa Japan. Kahit saang channel e makikita mo sila, lalo na yung Arashi halos araw araw ata e meron silang program (sila ata yung F4 sa hana yori dango, pero 5 sila e). Yung EXILE naman e napakalaking boyband (katorse sila ayon sa wikipedia), pero sa isang linggo kong panonood ng tv, dadalawa lang ang nakita kong kumanta. Ang iba ay sumasayaw lang sa likod nung dalawa. Ang mas nakakatawa e tunog lovesong yung mga kanta nila, at yung dalawang kumakanta e di mo makikitaan ng kahit anong movement. Yung funky monkey babys naman e parang Salbakuta sa atin.
- Ang news nila dito ay parang hindi seryoso. Kahit kontodo porma ang mga anchors, ang set nila ay namumutakti sa kulay. May isang set na ang backdrop ay isang malaking aquarium. Ang isa naman e halos lahat ng pastel colors. At ang isa ay may cabinet na may mga stuffed toys. High tech sila pero mas gusto pa rin nila ang flash card sa pagrereport. Ang weather reporter nila ay lumalabas din minsan, habang umuulan. Kakatuwa din ang pangalan ng programs. May news program na ang pangalan e "U-la-la", "News Zero" at tsaka "20" (four hours siguro tulog ni mel tianco at mike enriquez dito araw-araw)
- Kakaaliw din ang mga game shows dito. As usual, ang imagination ng mga hapon e talaga naman kakaiba. Kailangan pa bang iexpand iyon? Pero kakaiba ang premyo nila dito. Nung isang araw e namigay sila ng mitsubishi na van.
- Mahilig din ang mga hapon sa sports. Andyan ang sumo, baseball, volleyball, golf at syempre soccer. Tyempo na natapos na kahapon ang 2010 World cup qualifier, sakto at nasaksihan ko sa TV ang qualifyer. Pasok ang Japan sa 2010 South Africa World Cup. Simula din ng Emperor's Cup (soccer). At ginaganap din dito sa japan ngayon yung world championship ng volleyball. Daming sporting event sa TV ngayon, kahit di ako nahilig sa paglalaro, naaliw ako sa panonood. Balak ko tuloy manood ng live soccer game, meron ata dito sa shin-Yokohama.
- Naaliw din pala ang mga hapon sa korean/taiwanese drama. Palabas pa lang dito sa japan ang boys over flower, love or bread, isang palabas ni barbie zhu na di ko alam ang title, irene (na college pa ata ako nung pinalabas sa pinas), pati winter sonata. Nagpapalabas din sila dito ng K-pop via Arirang.
- Madalas din nilang ipagmalaki ang mga imbensyon nila. May panel pa sila ng puro foreigners para magbigay ng comments. Meron silang Water falls na nakakapagcreate ng drawings gamit ang bumabagsak na patak ng tubig. Ang susunod na project nung gumawa nun e ang flaming water fountain. nagpakita na sya sample at talaga namang umaapoy yung tubig.