- Nakapagluto na din ako sa wakas ng totoong ulam (na hindi instant, hindi pirito) noong sunday ng gabi. Menudo (gamit ang mc cormick ready mix, ok ok instant nga sya pero indi ito yung instant na sinasabi ko kanina). Sa kasamaang palad, di ko sya napaabot sa lunch kanina, napanis. Ang tanga kasi, di nilagay sa ref. Anyways, lessons learnt. Ngayon ay asado naman (gamit pa din ang mc cormick). At ngayon, sisiguraduhing kong ilalagay na sya sa ref.
- Malapit na tumubo ang masels sa aking paa. Mahaba-habang lakaran ang karaniwang set-up dito. Bigla ko tuloy na-miss ang pedicab.
- Nakakainis, mukhang nagbabara na yung lababo ko. ang tagal bago bumaba ng tubig. May Liquid Sosa kaya dito?
- Meron nga palang Asian store dito, pero Filipino products (kasama na ang mga imported na kinalakihan na ng mga Pinoy sa Pinas) lang ang tinda na may kaunting Thai. Asian na nga kaya ang tawag dun? May Filipino store dito na ang pangalan ay Kapuso at Kapamilya. Hahanapin ko pa baka meron ding Kabarkada, Kabisyo, at Ka-shake.
- Nakabili ako dito sa may palengke ng mangga galing pinas. Ayun nga lang e alanganing hilaw, alanganing hinog ang lasa. Ang asim, pero ok lang, miss ko na din kasi ang mangga.
- Mga 10 minuto siguro akong nakatitig sa shelf ng mga sabon bago ako nakabili ng panlaba. Di ko alam kung tama ba yung kukunin kong sabon, wala akong kilalang brand, kahit tide at ariel ay wala. At walang translation sa english. So hulaan mo na lang sa picture na nakalagay, hehehe.
- Ganun din nga pala sa pagbili sa mga supermarket at kainan, Hai lang ng Hai pagkinakausap ka. Uso din sa kanila ang charades, maghulaan kayo kung ano sinasabi ng isa't isa. Sa kabutihang palad, tama pa naman lahat ng nabili kong pagkain.
- Ang mga bata pala dito e walang patid sa pag-aaral, may makikita kang school girls at school boys na nakauniporme kahit weekends at holidays. Nagtetren lang sila kapag nagfi-field trip.
- Kakaiba din ang fashion dito sa Japan. Saan ka makakakita sa Pinas na pumasok sa opisina nang nakamicro mini shorts? at take note, autumn ngayon. Ano kaya ang suot nila tuwing summer? Wala din silang pakialam sa color combination. Pero naaaliw ako sa mga sapatos ng lalaki dito. Gusto ko tuloy bumili ng light brown leather shoes.
- Kakaiba din ang trip ng mga hapon sa inumin. Nagustuhan ko ang lasa ng Ginger Ale. Meron din silang tinda ditong Calpis (Calcium Water) at Protein Water na parehas na parehas ang lasa (lasang yakult). Yung Suntory Protein water ay ginawa nila para sa mga slim macho daw at hindi sa mga gorilla macho, ayon sa kanilang commercial. So pwede ako sa protein water, di nga ako macho, slim naman.
Tuesday, November 10, 2009
quick-e's
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment