- Nakapagsimula na ako ng Nihonggo class nung January, marami na din naman akong natutunan, ayun nga lang kailangan talaga ng praktis. Di ko pa memorize ang Hiragana at Katakana chart, mahirap din palang basahin ang Nihonggo characters. Kanina, kailangan ipakilala namin ang sarili namin sa lahat ng estudyante ng eskwelahang iyon, syempre sa Nihonggo dapat. eto ang aking naging speech (ehehe): Minna-san, Ohayo Gozaimasu. Watashi wa Romeo desu. Firipin-jin desu. Nikki de hatarai te imasu. Abu Dhabi no LNG no shigoto shite masu. Nichiyoubi wa kyoukai ni ikimasu. Douzo youroshiku onegaishimasu.
- Di na madalas nakaka-"gala" ang prases dito. Paano naman, iba iba din naman ang interest ng bawat isa. Ang iba, mas gustong makipagtitigan sa mga laruan. Meron namang iba na ang gusto e maglakad lakad sa parke at mga garden. Meron din namang allergic sa puno. At meron ding gustong magleader-leaderan pero walang pumapansin.
- Pero di nangangahulugan na wala na akong social life dito. Sa katunayan, lunch out kami tuwing lunch (syempre, alangan namang dinner, edi dinner out na iyon). Lunch out as in sa labas ng office. Baon kakainin sa silya na nasa 4th floor ng queen's square. Nakakapagbonding din kami ng aking mga kabatch, movie marathon tuwing weekend sa bahay ni Jayvee. At syempre, bonding din with my bros and sis sa SFC. Sa dami ng yan, ewan ko na lang kung sabihan pa akong walang buhay....
- Nag-i-snow na din dito sa Yokohama, pero madalas di nagtutuloy. Pinakamalakas na nung Feb 1 ng gabi. Kinabukasan, tunaw na ang mga yelo.
- Dumarami na rin ang mga pasaway dito sa Japan. Madami ka na ding makikitang upos ng sigarilyo sa kalsada. Nakakita na din ako ng isang mama na umiihi sa hagdanan ng subway eki. Pero hindi pa naman sila ganun kagrabe, nacocontrol pa din sila.
- Chinese New Year bukas, unang beses kong isecelebrate iyon sa Chinatown. Kami ay magga-gala sa Yokohama Chinatown bukas pagkatapos ng misa.
Saturday, February 13, 2010
quick-e's part 2
sa tinagal tagal kong di nakapagpost dito eto lang po ang mga gusto kong ibahagi:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment