Sunday, April 25, 2010

Yakuza

Nakakalungkot isipin, na sa panohong ito, meron pa ring mga Yakuza.

Kani-kanina lang, muli na namang nagpakilala ang Japan sa akin ng kanyang kakaibang anyo. Habang kami ay namamahagi ng curry rice sa mga homeless sa subway sa Kannai, isang galit na galit na lalaki ang tumungo sa amin, nagtatanong kung sino ang aming pinuno. Sinabi sa kanya ng isa naming kasamahang hapon na sya ay nasa itaas, at kung gusto nyang kausapin ay umakyat sya sa taas. Malumanay at walang pagtataas ng boses, subalit ang galit na galit na mama ay patuloy na sumisigaw. Di ko naiintindihan ang sinasabi nya pero isa lang ang malinaw, gusto nya ng gulo. Sinipa nya ang lalagyan ng mainit na miso soup at tumalsik sa katawan ng hapong aming kasama.

Nakakatakot, na sa ganuong gawain, na ang tanging hangad ay makatulong, may ilang mga tao na hindi makapangunawa. Nasabi ng galit na hapon na pinapalala lamang namin ang sitwasyon ng mga taong iyon. Na tinuturuan lamang namin silang maging tamad.

Oo, may katwiran sya, pero sa ganuong paraan nya ba dapat iparating iyon?

Nakakasagabal daw kami sa daanan.

Hindi bat mas nakakasagabal sa daan yung mga kartong nakahilera buong magdamag duon na syang tinutulugan nila kesa sa ilang minuto naming pamamalagi duon para mamigay ng pagkain?

Nakakatakot na sa ganitong mga pagkakataon, may mga taong handang gumawa ng gulo. Nakakatakot na sa kabila ng kaunlaran ng bansang ito, namamayani pa din ang pananakot. Na sa kabila ng dami ng tao na naroon sa lugar na iyon, wala man lang umawat. Na sa kabila ng pagmamagandang loob ay ang mga paratang ng kasamaan.

Akala ko'y ligtas ang mga tao dito. Akala ko'y payapa ang bansang ito. Akala ko.....

Muli, kakaibang Japan ang nagpakilala. Ang Japan na bayolente. Ang Japan na takot. Ang Japan na hindi ligtas.

Naniniwala akong magpapakilala pa rin sa akin ang Japan na kabaligtaran ng pagpapakilala nya sa akin ngayong gabi.  Naniniwala ako.....

Friday, April 2, 2010

Japanese Christians

I like how the Japanese remain faithful in their culture while embracing a new one.
Last night, I joined the Bi-lingual Good Friday Service at the Sacred Heart Cathedral here in Yokohama. And yes, the sight of many Japanese, traditional and modern people, gathered inside the church to be with us on that service is something of a reminder for me that God has been planting seeds of faithful believers in the distant lands.
But what strucks me most, every time that I attend such (It is my second, the first one was during the Christmas Eve Mass) is that Japanese has a very wonderful way of venerating the Lord. I like when they bow there heads the traditional Japanese way (we called it the 90 degrees bow since it looked like there bodies are in right angle with their feet) during the most holy moments of the mass or service. We used to kneel down during the exposition of the Eucharist, but here they bow down. And I think that one is the highest form of their respect. I think the Japanese way are much more respectful than we used to.
And because I am here, last night, I venerated the Cross the way they do, the 90 degrees bow, my sign of respect to the Person - both Human and God in nature - hung on that Cross for me and you.
I am happy that Japanese embraced Christianity the way they embraced Buddhism many centuries ago. I am happy that I am enjoying both my Faith and the Japanese culture at the same time.
Can’t wait for the Easter Vigil later tonight.